^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagkakataon na ni Quiboloy para sumagot

Pang-masa
EDITORYAL - Pagkakataon na ni Quiboloy para sumagot

MINSAN nang sinabi nang naarestong Pastor Apollo Quiboloy na sa tamang korte lamang siya sasagot sa mga iniaakusa sa kanya. Ngayong naaresto na siya, ito ang tamang panahon para sagutin ang lahat. Patunayan niya na walang katotohanan ang mga ikinaso sa kanyang qualified human trafficking at child abuse. Dalawang korte­ ang nag-isyu ng warrant of arrest sa kanya—Quezon­ City Regional Trial Court at Pasig City Regional Trial Court. Nakapiit si Quiboloy, kasama sina Ingrid Canada, Cresente Canada, Jacklyn Roy at Sylvia Cemanes sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Ang isa nilang kasamahan ay nauna nang nahuli noong Mayo makaraang mag-offer ang DILG ng reward. May kinakaharap ding kaso si Quiboloy sa United States.

Naaresto si Quiboloy ng PNP noong Linggo sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ganunman sinabi ng kanyang abogado na sumuko ang pastor sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang pagka­kaaresto kay Quiboloy ay inihayag mismo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa kanyang Facebook page. May naka-post ding picture ni Quiboloy sa FB page kasama ang abogado nito.

Natapos ang pagtatago ni Quiboloy makaraan ang halos dalawang linggong paghahanap ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Region XI Director Gen. Nicolas Torre III. Nagbunga ang paghahanap nina Torre at nang mahigit 2,000 pulis. Sabi ni Torre, hindi sila aalis sa KOJC compound hangga’t hindi naisisilbi kay Quiboloy ang arrest warrant. Naninindigan si Torre na legal ang paghahanap nila kay Quiboloy kaya hindi sila titigil sa ginagawang paghahanap sa pastor.

Nang pasukin ng PNP ang KOJC compound noong Agosto 24, nagkaroon ng kaguluhan sapagkat nagbarikada ang mga tagasunod ni Quiboloy. Nahirapan ang mga pulis sapagkat lumaban ang mga miyembro. May naghagis ng silya at nagsaboy ng ihi sa mga pulis. Pero pa­tuloy pa rin sina Torre sa paghahanap at nagbunga iyon makaraan ang halos dalawang linggong paghahanap na puno ng tensiyon.

Nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sina Quiboloy. Sabi ng mga abogado ng pastor, magpa-file sila ng petisyon na mailipat ang mga ito sa ISAFP Detention cell sa Camp Aguinaldo.

Ngayong nasa kustodiya na si Quiboloy, gugulong na ang reklamo sa kanya at may pagkakataon na siyang sagutin ang mga ito. Magkakaroon na rin siya siguro ng katahimikan hindi katulad nang nagtatago pa siya. Pati kanyang mga miyembro, babalik na rin sa normal ang pamumuhay.

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with