Benepisyong nakukuha sa mga pagkain
September 11, 2024 | 12:00am
- Ang dalawang saging ay magbibigay ng sapat na energy para sa intense 90-minute workout.
- Ang pagkain ng pipino bago matulog ay makatutulong upang gumising na refreshed at headache-free.
- Ang pagkain ng tatlong carrots ay sapat na upang magkaroon ka ng lakas na makapaglakad ng tatlong milya ang layo. Noong unang panahon ang carrots ay itinanim bilang herbal medicine at hindi bilang pagkain.
- Nakakatulong ang pagkain ng almonds upang maiwasan ang sakit sa puso, at cancer. Mayaman ito sa vitamin E, copper at magnesium. Taglay din nito ang protina at healthy unsaturated fatty acid.
- Nakakatulong ang mansanas upang maiwasan ang dementia, stroke at diabetes.
- Napabababa ang tsansa na magkaroon ng kanser at osteoporosis kung kakain ng dahon ng arugula.
- Ang dahon ng basil ay nakakatulong upang mapababa ang pamamaga ng kalamnan, nakagagaling ng arthritis at inflammatory bowel diseases.
- Ang broccoli ay mayaman sa vitamin A, iron, vitamin K, B complex vitamins, zinc, phosphorus, at phytonutrients. Nakakatulong upang maiwasan ang osteoarthritis, diabetes at cancer sa bladder.
- Ang melon ay mayaman sa choline, zeaxanthin at beta carotene. Nagpapagaling ng hika, alta presyon, pamamaga ng kalamnan at tumutulong sa digestion ng pagkain.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended