Mag-enjoy kaya si Quiboloy sa kulungan?

HITIK sa imahinasyon ang mga nag-aabang sa balita sa pagkakakulong ni Apollo Quiboloy at mga kasama nito sa Camp Crame.

Maghimala raw kaya ang appointed Son of God?

Pinagtatalunan pa kung sumuko raw ba o naaresto si Quiboloy. Dahil ‘yan sa reward na P10 milyon siyempre. Nakorner nga ‘di ba? Bayad na!

Gustuhin man ng mga senador na imbestigahan si Quiboloy, hindi nila ito mapipilit magsalita. Nakasampa na sa husgado ang mga kaso nitong hinaharap at walang kuwenta kahit i-contempt nila ito. Istaaap!

Parehong nasa PNP Custodial Center sa Camp Crame sina Quiboloy at Guo. Malamang na sumunod sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong kapag sinampahan na sila ng kaso.

Tatlong magagandang preso ang mga ‘yan na makakasama ni Quiboloy. Diyos ko, ’wag naman po sana!

Wala na ang mga dumalaw na pastoral workers sa Camp Crame kaya maninibagong tiyak si Quiboloy sa kulungan. Kaawaan nawa siya ng Tunay na Diyos!

Show comments