^

Punto Mo

Nahuli ‘di sumuko!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATAPOS nga ang higit dalawang linggong pagbabantay ng mga tauhan ng Philippine National Police ( PNP) sa loob ng KOJC Compound sa Davao, hindi nasayang ang kanilang pagtitiyaga.

Nasukol na rin sa wakas noong Linggo ang wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.

Nauna nang nanindigan ang DILG at PNP na nasa underground pa rin sa loob ng compound ang pastor sa kabila ng mga nagsabing wala na doon si Quiboloy at lisanin na ng operatiba ang lugar.

Hindi nga ba’t maging si VP Sara Duterte ay nagkomento na nasa langit na umano si Quiboloy.

Matapos mahuli, pilit pa ring ginagawan ng kontrobersiya dahil sa isyung sumuko o naaresto ba ito. Pinalutang ng mga abogado nito na  sumuko ito sa AFP at hindi sa pulisya.

Kahapon mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabing hindi sumuko si Quiboloy kundi naaresto ito.

Ito rin ang pinanindigan  ni Sec. Abalos.

Sa kanilang paliwanag nasukol o nakorner na si Quiboloy kaya napilitan itong lumutang.

Ayon din sa ilang political analysts, hindi pagsuko ang naganap kundi arrest.

Sa loob mismo ng KOJC compound ise-serve ang mga warrants at doon din ito natagpuan na dito rin siya binasahan pa malamang ng ‘Miranda doctrine’.

Ayon sa mga political analyst matatawag pa umanong sumuko kung sa ibang lugar ito nakuha o nagpunta sa police stations at hindi sa lugar kung saan nandon na ang mga operatiba.

Nabatid  na nakorner na lang si Quiboloy kaya ito lumutang.

Ayon  nga sa Pangulo na hindi lilitaw si Quiboloy kung hindi hinabol ng kapulisan.

Subalit sa kaso aniya ni Quiboloy ay napilitan siyang lumabas dahil malapit na ang pulis sa kanyang pinaglulunggaan.

May umepal pa nga sa insidente na nanggugulo na nagsabing sa AFP ito sumuko at hindi sa PNP.

Ayan at malinaw na nahuli at hindi sumuko si Pastor Quiboloy.

Tuluyan na sanang umusad ang pagbusisi sa mga kaso nito.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with