Paano basahin ang pag-uugali?
• Ang taong hindi marunong tumanggap ng pananagutan, kadalasan ay mahilig manisi.
• Kapag kulang ka sa communication skills, akala mo ay laging nakikipagtalo sa iyo ang iyong kausap.
• Kapag mababa ang iyong emotional intelligence, pagbibintangan ang ibang tao na sensitive kapag pinansin ang iyong bad attitude.
• Kapag hindi ka honest, gagawa ka ng istorya upang pagmukhaing ikaw ang nagsasabi ng totoo.
• Kung wala kang integridad, kadalasan ay bibigyan mo ng katwiran ang mga ginagawa mong kasamaan sa ibang tao.
Paano basahin ang ikinikilos?
• Ang nagko-cross legs agad kapag naupo, ay may malakas na ambisyon at may positibong pananaw sa buhay.
• Ang taong hinihipo ang kanyang baba habang nagsasalita ay maingat sa kanyang ikinikilos na maaaring makasira ng kanyang pagkatao.
• Matitigas ang ulo at mahilig magbigay ng opinyon kahit hindi hinihingi ang mga taong mahilig maghalukipkip or mag-cross ng kanyang mga braso sa tapat ng dibdib.
Senyales na mataas ang vibration mo:
• Lagi tumitingin sa iyo ang ibang tao.
• Gusto ka ng mga toddlers. Nginingitian ka ng mga babies.
• Nilalapitan ka ng mga hayop. They feel safe around you.
• Kinukuwentuhan ka ng bagong kakilala ng kanilang life story.
• Kinaiinggitan ka ng ibang tao pero hindi mo alam kung bakit.
• Kinaaasaran ka ng toxic people dahil sa pagiging “authentic” mo.
• Nagbabago ang energy ng isang room kapag pumasok ka rito.