2 youtubers na nakagawa nang pinakamalaking smartphone, nakatanggap ng Guinness Record!

Nakapagtala ng world record ang dalawang content creator sa YouTube matapos silang makagawa ng higanteng smartphone!

Kinumpirma ng Guinness World Records na sina Arun Maini at Matthew Perks ang pinakabagong record holder ng titulong “Largest Smartphone Replica” matapos silang makabuo ng replica ng iPhone 15 Pro Max na may taas na dalawang metro.

Upang kilalanin ng Guinness ang naturang replica ay kailangan na fully functional ito. Dapat ay madaling i-scroll ang touch screen nito, may kakayahan dapat itong tumawag, mag-text at email, kailangang gumagana ang lahat ng apps na naka-install dito at dapat ay mayroon itong camera with flash at gumaganang charging port.

Lahat ng mga criteria na ito ay nagawa ng smartphone nina Maini at Perks kaya agad silang ginawaran ng certificate ng adjudicator ng Guinness World Record.

Show comments