(Part 2)
NAGING “kumot collector” ako. Kapag napupunta ako sa ibang lugar at tumitira sa hotel ay hindi ko mapigilang kumuha ng souvenir na kumot. Pero nakokontrol ko naman ang sarili dahil alam kong pagnanakaw na yun.
Kaya ang ginagawa ko na lamang ay naghahanap sa lugar ng mga tindahan ng kumot para maibsan ang pagkahumaling ko sa kumot. Kapag nakakita ako ng mga tindang kumot na may kakaibang desenyo ay binibili ko kahit mahal.
Meron akong nakitang kumot na puwedeng iburda roon ang pangalan pero mahal nga lang dahil sa ibuburda ang pangalan.
Marami-rami na rin akong narating na lugar sa Pinas na may kaugnayan sa trabaho kaya marami akong naipon na kumot. Ang mga kumot na nakolekta ko ay nasa isang magandang cabinet. Maayos na nakatiklop.
Pero ang pagkahumaling ko pala sa kumot o ang pagiging “kumot collector” ay mayroon palang kaugnayan sa isang hindi malilimutang pangyayari sa aking buhay.
Nangyari iyon nang magtrabaho ako sa Taiwan.
(Itutuloy)