Lalaki na kayang tumayo gamit ang isang paa habang nakapiring, nakatanggap ng Guinness!

ISANG 50-anyos na lalaki sa India ang nakapagtala ng world record matapos itong makatagal na nakatayo sa isang paa habang nakapiring ang kanyang mga mata!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Ram Phal ng Utar Pradesh, India ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Duration Standing on One Leg Blindfolded”. Ito ay matapos siyang makatayo sa loob ng dalawang oras at 21 minuto gamit lamang ang kanyang isang paa at nakapiring ang mga mata.

Ito ang ikaapat na beses na mapasakamay ni Ram ang titulo. Una niya itong natanggap noong 2021 at dalawang beses noong 2023. Ayon kay Ram, ginagawa niya ito bilang pag-alala sa kanyang namayapang ama na paboritong subaybayan at magbasa ng Guinness Book of World Records.

Show comments