MARAMI akong naging karanasan sa Saudi Arabia nang maging OFW ako mula 1991 hanggang 2001. At ngayong retirado na ako, kapag binabalikan ang mga karanasang iyon ay napapatawa na lamang ako sarili.
Pero ang isang hindi ko malilimutang nangyari sa akin ay nang maligaw ako at napunta sa isang malaking disyerto at hindi ko malaman kung paano ako uuwi. Hindi ko malaman ang aking pinanggalingan. Mistulang nawala ako sa sarili nang nasa gitna na ako ng disyerto. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa disyertong iyon.
Tuwing Biyernes ng umaga ay nakaugalian ko nang maglakad bilang ehersisyo. Tuwing Biyernes ay wala kaming pasok kaya nagagawa kong maglakad. Dati ay may kasama akong naglalakad—si Bernie, pero nag-finished contract na siya. Ako na lang ang solong naglalakad. Nagsisimula ako ng alas sais ng umaga na tatagal ng dalawang oras. Babalik ako sa aming tirahan ng alas otso.
Dati ay iikutin ko lamang ang malaking park at uuwi na ako pero nang umagang iyon, natukso akong lumayo pa.
Hanggang hindi ko namalayan, malayo na pala ang nararating ko. (Itutuloy)