^

Punto Mo

Maid of Honor (231)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI pa rin makapaniwala sina Honor at Bianca na nasa beach resort ni Inah si Rocky at nagtatrabahong security roon.

“Ang akala ko, hindi na magpapakita si Rocky. Ang tagal din niya bago lumutang. At sa probinsiya n’yo pa siya agad nagtungo, Yana,’’ sabi ni Honor.

“Oo nga. Siguro ay napakaganda sa beach resort ni Inah. Nae-excite tuloy akong magtungo roon.’’

“Maganda nga po kasi ang resort. Magtungo tayo sa summer, Ate Bianca, Kuya Honor,’’ sabi ni Yana.

“Sige, tamang-tama na graduate ka na Yana. Para naman makapag-relaks,’’ sabi ni Bianca.

“Sige, sarap siguro sa beach,’’ sabi ni Honor.’’

“Sasabihin ko na po kay Inah para nakareserba na sa atin ang mga cottages. Kasi sabi ni Inah, ngayon pa lang ay marami nang nagre-reserve.’’

“Wow, sige sabihan mo na si Inah,’’ excited na sabi ni Ate Bianca.

“Teka balik tayo kay Pareng Rocky, kailan daw nagtungo sa beach ni Inah?’’

“Hindi po sinabi ni Inah kung kailan. Hula ko, ilang buwan na ang nakalilipas.’’

“Salamat naman at nakabangon si Pareng Rocky.’’

“Pero may isa pang magandang balita, Kuya Ho­nor at Ate Bianca.’’

“Anong magandang balita?’’ tanong ni Ate Bianca.

“Magkasinta­han na po sina Inah at Kuya Rocky.’’

Hindi nakapagsalita sina Honor at Bianca. Gulat ang ­ekspresyon ng mukha.

“Sabagay, biyudo si Pareng Rocky. Wala namang problema,” sabi ni Honor.

“Oo nga. Ang mahalaga, nagmamahalan sila,’’ sabi ni Bianca.

“Mukhang mahal po nila ang isa’t isa, Ate Bianca.’’

“Sana maging maligaya sila,’’ sabi ni Bianca.

KINABUKASAN, magkasabay sa pagpasok sa unibersidad sina Yana at Ram. Si Ram ay classmate ni Yana at minsang ­nagligtas sa dalawang lalaking nagtangkang mambastos sa dalaga.

“Ram di ba gusto mong magbakasyon sa probinsiya kasama ang mom mo?’’

“Oo, Yana. Meron ka bang alam na beach resort na maa­aring pagdalhan kay Mommy?’’

“Oo. Sa beach ng sister ko.’’

“Sige Yana. Puwede na mag-book para sa summer?’’

“Ako na ang bahala, Ram.”

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with