^

Punto Mo

EDITORYAL — Japan umalma sa inaakto ng China sa Pilipinas

Pang-masa
EDITORYAL — Japan umalma sa inaakto ng China sa Pilipinas

Limang beses nang binabangga ng China Coast Guard ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG). Ang pinaka-latest na pagbangga ay noong Sabado kung saan dalawang beses binangga ng CCG 5205 ang BRP Teresa Magbanua na nasa Escoda Shoal. Nasira ang kaliwang bahagi ng Magbanua. Hindi pa nasiyahan ang CCG, nagmaniobra ito at binangga naman ang kanang bahagi.

Maraming bansa ang kumondena sa ginagawa ng CCG sa PCG. Isa ang Japan sa kumondena sa ginagawa ng China. Kaya sa panibagong pambu-bully ng CCG sa PCG vessels, tiyak may remarks na naman ang Japanese envoy ukol dito.

Nang banggain ng CCG ang dalawang PCG vessels noong Lunes sa Escoda Shoal, sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuya Endo na “isa na namang hindi katanggap-tanggap na pangyayari ang naganap.” Nawasak ang tagiliran ng BRP Engaño at BRP Cabra na magsasagawa ng resupply mission sa Teresa Magbanua na nagbabantay sa Escoda Shoal.

Hindi nagustuhan ng China ang remarks ni Endo at sinabing iresponsable ito. Ayon pa sa spokesperson ng Chinese embassy, hindi raw naiintindihan ni Endo ang mga nangyayari at nagbibigay agad ng remarks. Maraming beses na raw nagkomento ang Japanese envoy na hindi naman nito nalalaman ang tunay na nangyayari at hindi rin naman daw ito arbitrator o ano pa man. Ayon pa sa spokesperson, dapat daw malaman muna ng Japanese ambassador ang kasaysayan.

Anuman ang sabihin ng China, nakikisimpatya lamang ang Japan sa marahas na aksiyon ng CCG sa PCG vessels. Nakita marahil ng Japanese ambassador ang video na hinabol at pinaligiran ng CCG vessels ang barko ng PCG at binangga.

Sunud-sunod ang pagbangga ng CCG na inum­pisahan noon pang nakaraang linggo. At maaring magpapatuloy pa ang CCG sa ginagawang pagbangga. Sisirain nila lahat ang mga barko ng PCG para wala nang papalaot sa inaangking teritoryo.

Ano kaya ang balak gawin ng pamahalaan sa panibagong pangha-harass? Magpa-file uli ng diplomatic protest. Hindi ba sila nagsasawa? Ibahin naman ang strategy. Ba’t hindi na lang patalsikin ang Chinese ambassador.

CHINA COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with