1. Ang batang lumaki sa pamilyang hirap sa pananalapi pero naging mapera pagtanda niya ay nakakadama ng guilt tuwing bibili siya ng mamahaling bagay.
2. Ang taong lumaking walang ama o inang nakapiling sa kanyang paglaki dahil nagtrabaho sa abroad o dahil hiwalay ang mga magulang ay naaakit sa long distance relationship kung saan ang karelasyon ay laging hindi available para maalagaan siya.
3. Ang ating nervous system ay automatic na nagiging kalmado kapag ang mga tao sa ating palagid ay authentic na mabubuti. Nadadama natin ang positive energy na inilalabas ng kanilang katawan.
4. Kung may gusto sa iyo ang opposite sex, dama mo agad iyon. Ngunit kung wala itong gusto sa iyo, malilito ka kung may gusto ito sa iyo o wala.
5. Ayon sa bagong pag-aaral, may tendency na magsinungaling at mag-ugali nang hindi maganda ang taong pagod. Kaya ang morning people (halimbawa: 8 a.m. to 5 p.m. office employees) ay malaki ang tsansang maging “bad” sa gabi. Ang night owls (call center agents, guwardiya) naman ay nagiging “bad” sa umaga.
6. Ang tumatatak sa ating memorya ay 90 percent ng ating ginawa; 50 percent ng ating nakita at 10 percent ng ating narinig.
7. Kung ang isang babae ay mas lalong nag-bloom ang personalidad pagkatapos ng break-up, malinaw na ang lalaki ang problema sa relasyon.
8. Ayon sa psychology, ang “nicest people” ay madalas na napagkakamalang masungit sa unang pagkikilala.
9. Kapag may taong nagpapantasya sa iyo “sexually”, madadama mo ang presence niya kahit pa malayo siya sa iyo.
10. Mga 95 percent ng mga lalaki ay nakikipag-text sa kanilang kabit habang nakaupo sa trono (toilet bowl). Iyon lang kasi ang lugar na “safe” para hindi mahuli ni Misis.