^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat nang sumuko at harapin ang batas

Pang-masa
EDITORYAL - Dapat nang sumuko at harapin ang batas

ISANG linggo na ang isinasagawang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) kina Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pa subalit hindi pa rin sila matagpuan para masilbihan ng warrant of arrest. Ayon sa tagapagsalita ng PNP nagtatago sa bunker si Quiboloy at ito ang kanilang minomonitor. Inalis na ang barikadang inilagay ng mga pulis bilang pagsunod sa kautusan ng Davao City court. Nilinaw naman ng korte, tuloy pa rin ang paghahanap kay Quiboloy.

Dinagdagan pa ang naka-deploy na pulis sa KOJC compound kaya mahigit 2,000 na ang naroon. Sa unang araw nang pagpasok ng PNP sa compound, may mga inaresto makaraang maghagis ng silya at magsaboy ng likido na pinaniniwalaang ihi. Marami naman ang naperwisyo nang magkaroon ng trapik dahil iniharang ang mga truck, crane at private vehicles sa gitna ng kalsada patungong Davao International Airport. Maraming na-late sa kanilang flight.

Kaya tuloy ang PNP sa paghahanap kay Quiboloy. Sinabi ni B.Gen. Nicolas Torre III na ginagawa lamang nila ang iniuutos ng korte na hanapin at isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy. Hindi umano sila lumalabag sa batas sa paghahanap kay Quiboloy at pinaiiral ang maximum tolerance. Wala umanong mga baril ang pulis na nasa KOJC compound. Marami umano sa mga pulis ang nakatikim ng mga masasakit na salita sa mga miyembro ng KOJC. Pero pinairal ng mga pulis ang pagiging mahinahon. Saksi rin umano ang mga taga-Commission in Human Rights (CHR) na walang ginagawang paglabag ang mga pulis sa ginawang pagpasok sa compound para hanapin ang pastor.

Walang nakaaalam kung kailan magtatagal ang mga pulis sa KOJC compound pero nangako ang mga matataas na pinuno ng PNP na makikita nila si Quiboloy at iba pa na inaaakusahan nang maraming kaso kabilang ang child abuse at human trafficking. Hindi lamang sa Pilipinas may kinakaharap na kaso si Quiboloy kundi maging sa United States.

Una nang sinabi ni Quiboloy noon na hindi siya susuko nang buhay. Ibig bang sabihin nito ay lalaban siya sa mga awtoridad at bahala na ang kasunod. Maaring nasabi niya ito dahil nasa sarili siyang balwarte. Malakas ang kanyang loob sapagkat malapit din sa kinaroroonan niya si dating President Duterte. Sinabi minsan ni Duterte na alam niya kung nasaan si Quiboloy pero hindi niya sasabihin.

Sa ginagawa ni Quiboloy na pagtatago, ang mga tagasunod niya ang nalalagay sa panganib. Ang mga ito ang nakapain. Kapag nagkaroon ng kaguluhan, ang mga tagasunod niya ang nasa bingit ng panganib. Makabu­buting sumuko at harapin ni Quiboloy ang batas.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with