^

Punto Mo

Pang-araw-araw na tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Uminom muna ng kape, saka umidlip ng 20 minutes. Pagkalipas ng 20 minutes, saka naman sisipa ang caffeine na nagpapalinaw at nagpapaalerto ng pag-iisip. Dahil naipahinga mo na ang iyong utak, nakahanda na ito sa anumang trabaho na gagawin mo.

• Huwag magsepilyo pagkatapos kumain. Ang acid na nanggaling sa mga kinain mo ay nagpapalambot ng iyong ngipin. Acid ang dahilan kung bakit lumulutong ang ngipin at mabilis nasisira. Kung magsesepilyo kaagad, kakalat at pupunta sa pinakailalim ng ngipin ang acid. Palipasin muna ang isang oras bago magsepilyo.

• Kung kakain ng saging, piliin at kainin ang lakatan, latundan o kahit anong yellow banana na hinog at maraming “pekas”. Mas marami at maitim ang “pekas” mas mainam. Iyon ang palatandaan na ang saging ay nagtataglay ng sustansiya na kung tawagin ay Tumor Necrosis Factor (TNF) na may kakayahang tumunaw ng abnormal cells na pinagmumulan ng cancer cells.

• Palibhasa ay marami na ang may laptop, itina-type na lang ng iba ang lecture ng propesor sa halip na isulat ito sa kamay. Ngunit ayon sa researchers sa Indiana University, mas natatandaan ng utak ang ini-lecture ni Mam kung ito ay isinulat ng kamay kaysa itinayp sa laptop.

• Mas delikado ang kalusugan sa sabon may label na antibacterial kaysa regular na sabon.  Ayon sa United States Food and Drug Administration, mas mainam na gumamit ng regular na sabon at huwag gumamit ng antibacterial soap na may triclosan. Kapag tumagal ang exposure sa triclosan, hindi ka na tatablan ng gamot na antibiotics at may masamang epekto sa hormones. Sa katotohanan, ipinagbabawal noon pa 2013 sa state of Minnesota ang paggamit ng produktong may triclosan.

KAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with