(Part 1)
SENIOR citizen na ako. Marami akong naging karanasan sa buhay. Pero meron akong isang naging karanasan na hindi malilimutan. Iyon ay may kaugnayan sa kutsara.
Pero bago ko ikuwento ang tungkol sa karanasang iyon na naganap noong ako ay 10-taong gulang, gusto ko lang ipabatid sa mambabasa na mula nang mangyari iyon ay nagkaroon ako nang matinding pagkahilig sa pag-iipon ng kutsara. Hindi ko maipaliwanag pero sa tindi ng pagkahilig ko sa kutsara, pati ang ginagamit na kutsara sa mga dinadaluhan kong kasalan, party at reunion ay natutukso kong kuhain bilang souvenir.
Natatandaan ko, binata pa ako noon nang maimbitahan sa wedding ng aking kaklase sa high school. Ginanap ang reception sa isang hotel. Magaganda ang kubyertos na ginamit. May mga desenyo ang kutsara at tinidor. Nang makita ko ang magandang kutsara, umandar ang aking pagkahumaling.
Nang matapos akong kumain, pasimple kong binalot sa tissue ang magandang kutsara at isinilid ko sa bulsa.
Nakadama ako ng kasiyahan nang dumating sa bahay at agad kong binuksan ang dinagit na kutsara. Nadagdagan na naman ang koleksiyon ko.
(Itutuloy)