^

Punto Mo

Maid of Honor (226)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, kumalat ang balita na nagtangkang tuma­kas sa presinto ang grupo ni Mark Demonio at nang-agaw ng mga baril. Nakipagbarilan sa mga pulis hanggang sa mapatay ang apat.

Maraming nabunutan ng tinik sapagkat bukod sa sapilitang paghingi ng pera sa mga establishment, tulak din pala ng shabu ang grupo. Ang mga ito pala ang responsible sa pagpapaanod ng mga shabu sa dagat. Kontak pala nina Demonio ang mga Chinese syndicates na nagpapaanod ng shabu. Binabayaran ni Demonio ang mga mangingisda para sagipin ang mga pinaanod na pakete ng shabu. Marami na raw nasagip na shabu ang grupo ni Demonio. Iyon ang dahilan kaya maraming kabataan ang nagumon sa bisyo.

Nagpalakpakan pa ang mga tao nang malaman ang pagkakapatay sa Demonio Gang.

Isang ina pa ang napaiyak sa tuwa sapagkat naipaghiganti na niya ang kanyang anak na naging adik sa shabu dahil sa kaga­gawang ng Demonio Gang. Nasa rehab center daw ang kanyang anak at ginagamot pa. Hindi na raw nakapag-aral ang kan­yang anak dahil sa pagkagumon sa shabu.

Kung mayroon mang labis na natuwa sa pagkakapatay kina Mark Demonio at kasama, ito ay walang iba kundi sina Inah at Rocky. Nawala ang salot sa kanilang lugar.

“Talagang matatahimik na tayo ngayong napatay na sina Demonio, ano Inah?’’ tanong ni Rocky habang naglalakad sila sa dalampasigan. Sumisikat na ang araw.

“Oo nga Kuya Rocky. Akalain mo, biglang-bigla e nawala ang mga gumugulo sa atin. Mabilis akong nakakuha ng katarungan sa ginawang paghipo at paghalik sa akin ni Demonio kahapon.’’

“Mabilis tumalab ang karma, Inah.’’

“Oo nga Kuya.

Napakabilis ng pang­yayari.’’

“Siyanga pala, Inah, puwede mo nang sabihin kay Yana, Pareng Honor at Mareng Bianca na narito ako sa inyo. Gusto ko malaman na nila.’’

“Aba bakit nagbago ang pasya mo, Kuya?’’

“Kasi, gusto kong malaman nila na mayroon na akong babaing minamahal. At sila ang gusto kong unang makabatid.’’

“Mayroon kang babaing minamahal?’’

“Oo.”

“Nasaan siya Kuya? Puwede ko ba siyang makilala?’’

“Oo.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with