Harry Roque, bugbog sarado sa Kongreso

GIGISAHIN na naman si Harry­ Roque sa Kongreso kasama ng puganteng si Cassandra Ong na nadakma sa Indonesia. Naka­kulong ngayon sa Kongreso si Cassandra.

Nakatakas si Cassandra sa ka­initan ng imbestigasyon sa mga krimeng naganap sa Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Hindi kaya pinatakas talaga siya? He-he-he!

Buo na ang hinala ng Kongreso na ang Whirlwind Corporation at ang Lucky South 99 ay pag-aari ni Cassandra na ang taga­salag ay si Roque. Hindi aaminin ‘yan!

Pustahan?

Maraming kinidnap, ginulpi at pinatay sa Porac POGO Hub. Marami ring natagpuang uniporme ng Chinese People’s Liberation Army.

Ibang usapan na ‘yan!

Na-contempt si Roque dahil sa pagsisinungaling. Nauto naman ang mga dating kabaro niya kaya 24 hours resting time lang ang parusa.

Sarap buhay talaga!

Interesado si Rep. Bitrics Luistro kung bakit biglang yumaman si Roque. Magtatapat ba ‘yan ng totoo?

Ano ba naman kayo?

Show comments