Sangkaterba na ang mga ahensiya ng pamahalaan na naglalagay ng intelligence funds sa kanilang hirit na pondo na hindi naman naipapaliwanag kung saan at paano ito nagagamit o naging epektibo ba.
Dahil dito nais ng Kamara na rebyuhin ang paggamit ng intelligence funds ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Lalo na nga sa nabulgar na pagtakas nang nasibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pang mga high profile suspects, nang walang kaalam-alam ang mga ito na siyang dapat na tumutok sa ganitong mga kaso.
Ang masaklap pa rito baka sila pa nga ang naging dahilan para walang kahirap-hirap na makapuslit ng bansa ang mga pinaghahanap ng batas.
Una rito, nasabat ng Indonesian. authorities sina Sheila Guo, kapatid ni Alice Guo at Cassandra Li Ong.
Ang bilis ng kanilang Intel gathering kaya ilang araw pa lang na mapabalita ng pagpuslit ni Alice Guo sa bansa nasabat agad ng mga kasamahan nito.
Hindi lang ito sa kaso ni Guo, hindi nga ba’t hanggang sa ngayon y hindi pa rin matagpuan sina
Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy at dating BuCor Chief Gerald Bantag.
Ang ganitong mga insidente ay lubhang nakakaalarma kaya kailangang masagot ang mga seryosong katanungan kung paano ginagamit ang pondo para sa security at law enforcement.
Dapat nga namang matiyak na nagagamit sa tamang paraan ang intelligence funds na galing sa kaban ng bayan’.