^

Punto Mo

Ang nakadidismayang katotohanan sa pulitika

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KAHIT ang matapang at kinatatakutang pinuno ng Communist Party ng Soviet Union na si Nikita Kruschchev ay may sentimyento tungkol sa pulitika:“Iisa lang ang kulay ng lahat ng pulitiko sa buong mundo. Mangangako sila  ng tulay kahit wala namang ilog o dagat na tutulayan. At bakit laging nakakalusot ang mga ganitong klaseng pulitiko? Dahil sa mundo ng pulitika, walang mahigpit na requirement para kumandidato ang isang pulitiko.”

“Nakakamtan nila ang isang posisyon  na gabundok ang responsibilidad, kahit hindi man lang sila dumaan sa pagsasanay, hindi nag-master ng anumang kaalaman, walang eksamen na pinagdaanan, o walang diploma o lisensiya na kailangang ipakita.”

“Sa kabilang dako, bakit ang isang veterinarian na nanggagamot ng inyong aso at pusa ay hinihingan ng lisensiya bilang pruweba na eksperto siyang  makapagligtas ng buhay ng mga hayop. Pero ang pulitiko na mamamahala ng kabuhayan at buhay ng buong sambayanan ay hindi naman hinihingan ng katibayang nabanggit?”

Kaya nga sabi ni Kruschchev, “huwag nang magtaka kung bakit marami sa mga pulitiko na ang alam lang ay ‘magkalat’ at ang iba, magnakaw.”

“It is not in the nature of politics that the best men should be elected. The best men do not want to govern their fellowmen.” – George E. MacDonald

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with