(Part 1)
Pandesal ang nakasanayan na naming almusal sa umaga. Tuwing umaga ay ako ang naatasang laging bumili ng pandesal. Apat kaming magkakapatid at ako lamang ang lalaki at bunso. Nasa unang taon ako ng kolehiyo at kumukuha ng engineering.
Sa umaga, dakong 6:00 ay matic nang lalabas ako ng bahay para pumunta sa bakery na may 15 minutes lakarin mula sa bahay. Thirty pesos ang bibilhin kong pandesal.
Habang patungo ako sa bakery, nakita ko sa malayo ang isang matandang babae na nakaupo sa gutter ng kalsada. Hindi naman mukhang pulubi ang matanda. Maayos ang suot. Pero sa tingin ko ay gutom.
Nagkatinginan kami ng matanda.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakarating sa bakery. Bumili ako ng pandesal.
Habang naglalakad, naisip kong bigyan ng pandesal ang matanda na nakita ko kanina.
Pagdaan ko, naroon pa ang matanda.
Nakatingin na naman sa akin. Dumukot ako dalawang pandesal at iniabot sa matanda.
Napangiti lamang ang matanda.
Umalis na ako.
(Itutuloy)