Kapag nagigising sa madaling araw…

KUNG tuluy-tuloy ang iyong pagtulog hanggang umaga, masuwerte ka. Ngunit kung nagigising ka sa madaling araw, may ibig sabihin ito ayon sa Chinese medicine.   

Kung sa umpisa pa lang ay hindi makatulog sa pagitan ng 9:00 p.m. at 10:00 p.m.—ibig sabihin ay stressed ka. Para makatulog: Huminga nang dahan-dahan upang marelaks ang mga muscles sa katawan. Mag-isip ng masasayang memories.

Kung nagigising ka sa pagitan ng 11:00 p.m. at 1:00 a.m.—Ibig sabihin ay nakararanas ka ng kabiguan. Nagiging aktibo ang pantog kapag masama ang iyong loob. Ang resulta ay ihi nang ihi. Para mabawasan ang emotional disappointment, unawain ang sarili. Tanggapin na parte talaga ng buhay ang mabigo. Patawarin mo ang iyong sarili. Magpahinga sandali. Muling tumayo at ipagpatuloy ang pagsisikap.

Kung nagigising sa pagitan ng 1:00 a.m. to 3:00 p.m.—May ikinagagalit ka. Ang anger energy ay nakakonekta sa liver. Nagkakaroon ng problema sa liver kapag may kinikimkim na galit ang isang tao, ayon sa Traditional Chinese Medicine World Foundation. Himayin ang mga pangyayari kung paano nagsimula ang nadadama mong galit. Tapos tanungin ang sarili: Ano bang benepisyo ang matatanggap ko kung ipagpapatuloy ko ang aking galit? Ang pagkimkim ng galit ay kahalintulad ng pag-inom mo ng lason pero inaasahan mong ang mamamatay ay ibang tao.

 (Itutuloy)

Show comments