SI Natasha Aliyeva ng Republic of Belarus ay isang mahirap na dalaga na nagsisikap mabuhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang waitress sa restaurant ng Hotel Minsk.
Sa kabilang dako, isang miyembro ng ruling family ng Dubai na si Sheikh Saeed bin Maktoum bin Rashid Al Maktoum ang kasalukuyang nasa Belarus para sa isang sports competition.
Ang prinsipe ay equestrian at Olympian sport shooter. Karaniwang hindi siya lumalabas ng kanyang hotel at doon na lang nagpapahatid ng pagkain.
Ngunit nang araw na iyon, bigla na lang siyang lumabas at naisipang kumain sa restaurant ng hotel.
Ang 19-anyos na si Natasha ang lumapit at nagsilbi sa prinsipe.
Sa unang tingin pa lang, agad nabighani ang prinsipe sa dalagang si Natasha.
Sa sobrang pagkagusto kay Natasha, hindi na sinipot ng prinsipe ang tournament na sinalihan sa Russia. Nagbabad siya sa Belarus hangga’t hindi napapayag ang dalaga na magpakasal sa kanya.
Sa kasalukuyan, may dalawa silang anak na isinilang noong 2007 at 2012.