Life hacks
1. Ang pag-inom ng chocolate milk ay nakatatanggal ng muscle aches pagkatapos ng workout.
2. Kapag sinasabi ng isang advertisement na ang toothpaste nila ay nagre-repair ng ngipin, tingnan mo kung may “novamin” ito bilang active ingredient. Ito lang ang totoong nagkukumpuni ng ngipin.
3. Nababawasan ang tsansang magkaroon ng breast cancer ang isang babae ng 14 percent kung siya ay maglalakad ng isang oras araw-araw.
4. Ang 30 minutes na pag-eehersisyo ay nagpapaunlad sa kakayahan ng utak na mag-isip nang maayos. Kaya mag-exercise muna bago gumawa ng isang malaking desisyon o bago kumuha ng exam.
5. Maglagay ng timpladong kape sa ice tray. Itabi sa freezer. Kapag naisipan mong magtimpla na ice coffee, ang frozen coffee ang gamitin. Sa ganitong paraan hindi tatabang ang inyong ice coffee dahil ang ginamit ninyong “yelo” ay kape rin.
6. Mabilis ang paghaba ng buhok kung laging kakain ng salmon.
7. Mabilis makatulog kung magpapatugtog ka ng iyong favourite music bago matulog. Ang isa pang magandang resulta ay gigising ka kinabukasan nang maganda ang mood.
8. Ang paninigarilyo ay nagpapabagal ng natural healing ability ng iyong katawan. Sa bawat isang stick ng sigarilyo, dalawang linggo ang idinidelay ng paggaling mo.
9. Mas nagtatagal ang amoy kung ang iispreyan ng perfume ay sa bandang batok malapit sa hairline. Mas tatagal ang scent kung kakapit sa buhok kaysa balat lang.
10. Ang lipstick na shimmery gloss ay nagbibigay ng illusion na maumbok ang lips samantalang kung matte lipstick, nagmumukhang manipis ang lips.
- Latest