NAIBENTA sa halagang $630,000 ang fedora hat na sinuot ni Harrison Ford sa pelikulang “Indiana Jones”!
Ang naturang sombrero ay bahagi ng auction na isinagawa ng memorabilia company na Propstore kung saan nagpasubasta sila ng mahigit 400 memorabilias na may kinalaman sa American showbusiness.
Ayon sa mga ito, ang sombrero ay ginawa para sa ikalawang Indiana Jones movie na “Indiana Jones and the Temple of Doom”.
Ito ang mismong sombrero na sinuot ni Harrison Ford habang kinukunan ang pelikula sa Sri Lanka at iba pang eksena tulad ng mine cart chase scene at river scene na kinunan naman sa isang Esltree Studios sa Hollywood, Los Angeles, California.
Nagmula ang sombrero mula sa koleksiyon ni Dean Ferrandini, ang stunt double ni Harrison Ford sa naturang pelikula.