^

Punto Mo

Maid of Honor (219)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT ka nga pala biglang lumabas kanina, Inah? Akala ko hindi ka makikipag-usap sa Mark Demonio na yun?’’ tanong ni Rocky.

“Kasi nag-alala ako sa kalagayan mo. Baka kung ano ang gawin sa’yo kaya bigla akong lumabas.’’

“Kayang-kaya ko naman sila. Hindi nga nakakilos kanina nang pilipitin ko ang kamay.’’

“Nag-alala rin kasi ako na baka may baril sila e kung ano ang gawin.”

“Kayang-kaya kong agawin ang baril nila kung meron man. Pero kanina, parang wala namang baril ang mga loko. Nagmamadali ngang umalis.’’

“Pero mag-ingat pa rin tayo—lalo na ikaw Kuya Rocky. Feel ko na babalik ang mga yun at gaganti.’’

“Hindi ko sila aatrasan lalo pa’t may assistant na ako—di ba Darwin?’’

“Oo Kuya Rocky—hindi kita iiwan!’’

“Yan ang lalaki!’’ sabi ni Rocky at tinapik-tapik si Darwin.

“Gusto ko ring makaganti kay Mark Demonio, Kuya. Maraming beses na akong binatukan at sinampal ng hayop na yun. Kapag nakikita nila ako sa bayan, pinagtitripan ako. Kaya naipangako ko na mag-aaral ng martial arts. Nag-research ako sa Google at marami palang tutorial dun. Matiyaga kong pinag-aralan at kapag wala akong ginagawa, nagpapraktis ako sa tabing dagat. Hanggang sa marami akong nakuhang teknik.’’

“Kaya pala ang dali mong natuto. Mas mahusay ka pa sa akin!’’

“Hindi naman Kuya, ha-ha-ha!”

Binalingan ni Rocky si Inah.

“Sa mga darating na araw ay balak kong magtungo ng May­nila at mayroon akong aasikasuhin. Pero babalik agad ako Inah.’’

“Sige Kuya Rocky.’’

 

ISANG umaga, naglakad sa aplaya si Inah. Nang pawisan, ipinasya niyang maligo.

Lulusong na siya sa dagat nang dumating sina Mark Demonio.

“Suwerte naman! Tamang-tama ang dating namin. Paliliguan ka namin, Sexy, ha-ha-ha!

“Mga bastos!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with