^

Punto Mo

Mahahalagang oras sa buhay ng tao (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ang mga sumusunod ay oras kung kailan nangyayari ang magaganda at hindi magandang pangyayari sa buhay ng tao base sa pag-aaral na ginawa ng mga siyentipiko.

10:06 a.m.

Ito ang oras na sinisipag mag-ayos at magpaganda ng sarili ang mga tao. Ang konklusyon na ito ng mga researchers ay mula isanlibong babae na inobserbahan nila ang ikinikilos araw-araw.

11:00 a.m.

Malaki ang tsansa na mamatay ang isang tao sa ganitong oras. Ito ay magkakatotoo sa mga taong sobrang maagang gumising at nagtataglay ng AA genes. Ang konklusyon ay ibinatay sa obserbasyon nila at medical records ng 1,200 tao na may edad na 65.

5:44 p.m.

Pinakamagandang oras na mag-workout. Nasa pinakamataas na level ang energy ng katawan sa pagitan ng 3:00 p.m. hanggang 6:00 p.m. Ang lungs ay nadadagdagan ang lakas ng 17.6 percent pagkaraan ng 6:00 p.m.

6:25 p.m.

Malaki ang tsansang mabuntis. Ayon sa researchers ng Modena University sa Italy, ang sperm cell ng mga lalaki sa nabanggit na oras ay super powerful. Mga 35 percent ang itinataas ng sperm’s potency tuwing sasapit ang nabanggit na oras.

10:51 p.m.

Ito ang panahong nagiging mas malikhain ang mga tao. Kaya ito ang best time para isagawa ang pagsusulat ng nobela, magdisenyo ng damit, magpinta at iba pang creative works. Sa nabanggit na oras umaapaw ang chemical sa utak na nagpapalakas ng ating memory at pagiging malikhain.

ORAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with