^

Punto Mo

Mahahalagang oras sa buhay ng tao

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

Ang mga sumusunod ay oras kung kailan nangyayari ang magaganda at hindi magandang pangyayari sa buhay ng tao base sa pag-aaral na ginawa ng mga siyentipiko.

5:48 a.m.

Ito ang oras kung kailan mataas ang sex drive ng isang tao. Ayon sa British Medical Journal, sumasabay ang ating katawan sa pagsikat ng araw para maglabas ng maraming testosterone, ang sex hormone.

6:53 a.m.

Oras kung kailan malaki ang tsansa na atakihin sa puso at mamatay. Napag-alaman ng researchers ng Harvard University, ito ang oras kung kailan himbing na himbing sa pagtulog ang isang tao, at the same time, nakakaranas ng matinding panaginip. Sa katindihan, bumibilis ang tibok ng puso at ang adrenal glands ay naglalabas ng maraming adrenaline. Ang resulta ay biglaang paggising na nagiging dahilan ng pagputok ng ugat sa puso.

7:35 a.m.

Karamihan ay sa oras na ito gumigising ang mga tao, ayon sa UK Sleep Report. Nagiging mababaw na ang pagtulog dahil ito ang tayming kung kailan naglalabas ng orexin ang katawan. Ang orexin ay ang wakefulness hormone.

8:00 a.m.

Ito ang sandaling ang mga tao ay napakasaya, konklusyon ng mga researchers ng Cornell University. Ibinase nila ang konklusyon sa kinolekta nilang mga mensahe mula sa Twitter. Ito raw ang oras kung kailan nagpo-post ang mga tao ng kanilang happiest messages.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRITISH MEDICAL JOURNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with