‘Libing’

(Part 1)

Noong ako ay bata pa, madalas akong makakita ng funeral procession sa aming probinsiya. Malapit lang kasi sa sementeryo at simbahan ang aming bahay kaya nasusubaybayan ko ang ipinapasok at inilalabas patungo sa sementeryo.

Kapag may dumaang prusisyon ng patay ay nagmamadali akong pumupunta sa kalsada para makita iyon. Aywan ko kung bakit gustung-gusto kong makapanood ng prusisyon ng libing.

Minsan ay sinaway ako ng aking lola. Masama raw nag-aabang sa prusisyon ng libing. Hindi naman niya sinabi kung bakit masama.

Kung ako raw ay hindi inaasahang makakita ng prusisyon ng libing, maghanda raw ako ng barya na ihahagis.

Para raw pabaon sa namatay at babalik din daw ang tinapon.

Dahil bata pa ako, madali akong napasunod ni Lola. Kaya mula noon kapag nakakita ako ng prusisyon ng libing, naghahagis ako ng barya—singko noon.

Maski nang magtungo ako sa Maynila, nadala ko ang kaugalian. Kapag nakakakita ako ng funeral procession, nagtatapon ako ng barya.

(Itutuloy)

Show comments