10 aral ng buhay
1. Sasaktan ng ibang tao ang iyong kalooban pero kapag nag-react ka sa kanilang ginawa, pagmumukhain nila na ikaw pa ang may kasalanan at nang-aapi sa kanila.Tawag diyan, gaslighting.
2. Karamihan sa mga tao ay sarili lang ang mahal nila kaya ano namang paki mo kung malaman mong may taong ayaw sa iyo.
3. Makikita mo ang tunay na kulay nila, sa panahong hindi ka na nila kailangan.
4. Ang tulong na kailangan mo sa oras ng kagipitan ay kadalasang nakukuha sa mga taong hindi inaasahang tutulong iyo. Ang mga taong malapit sa iyo, sila pala ang walang pakialam sa iyo.
5. Hindi mo mababago ang pangit na opinyon ng ibang tao tungkol sa iyo. Huwag itong intindihin. Basta’t ipagpatuloy mo lang ang iyong masaya at makabuluhang buhay.
6. Huwag paapekto kung may natatanggap kang maling panghuhusga mula sa ibang tao. Isipin mo na lang na sila ay aso. Kasi, ang tinatahulan ng mga aso ay iyong hindi nila kilala.
7. Sabi ni Albert Einstein: “Weak people revenge, Strong people forgive, Inteligent people ignore”.
8. Ang pagtatanim ng galit sa ibang tao ay kagaya ng pag-aalaga ng sugat na puno ng nana.
9. Giit naman ni Morgan Freeman: “There is no bad religion, there are only bad people”.
10. Kung sa kabila ng pagiging simple at tahimik mo; may magsasabi pa rin “Ang yabang mo!”. Ang ibig lang sabihin noon: Inggit sila sa iyo dahil ang feeling nila, mas malakas ang dating mo!
- Latest