(Last part)
HINDI ko inaasahan ang ipinagkaloob na pabuya sa akin ng anak ng may-ari ng mga alahas na napulot ko. Sa laki ng pera (malaki na noong 1976 iyon) nabayaran ko ang aking matrikula at nakatapos ng pag-aaral. Walang maipadalang pera sa akin sina Tatay dahil nasira ng bagyo ang aming pananim. Wala namang maitulong si Tiya Aurora sa akin dahil siya man ay kapos din. Isa pa, ayaw ko na rin siyang bigyan ng problema dahil libre na nga ang pagpapatira niya sa akin sa apartment.
Pero hindi lamang ang mga alahas na napulot ko sa baha ang hindi ko malilimutang karanasan. Ang baha rin ang naging dahilan kung bakit nakilala ko ang aking maybahay.
Ang maybahay ko ay sa Dapitan din nakatira. Nang bumaha noong 1978 (sa bahay pa rin ako ni Tiya Aurora nakatira) nakilala ko si Marife, na naging maybahay ko. Naglalakad ako sa baha para bumili ng karne sa malapit na talipapa. Bumibili rin noon si Marie ng iuulam na isda.
Nang bigla siyang mabuslot na nakabukas na drainage. Nakita ko ang pangyayari at mabilis na kumilos para matulungan si Marife. Nahawakan ko ang kanyan kamay kaya hindi siya nagtuluy-tuloy na bumulusok sa drainage.
Doon nagsimula ang aming romansa. Dahil sa baha, nakilala ko ang aking future wife. At napatunayan ko, suwerte kapag baha nakilala ang babae.