MINSAN nang binigyang-diin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kanyang mga tauhan na ang dapat na pagserbisyuhan ng mga ito ay ang general public at hindi ang ilang indibiduwal lamang.
Kasabay din nito, ipinagbabawal sa lahat ng pulis na magsilbing “umbrella cops” o “umbrella assistant” sa mga VIPs o very important persons.
Sinabi pa nito sa kanyang direktiba na ang paggamit sa mga pulis para protektahan ang mga VIPs sa ulan o init ng araw ay hindi nakakatulong sa pagpapataas ng dignidad ng PNP personnel.
Hindi umano nila trabaho ang maging taga-bitbit ng payong.
Minsan na umanong nasaksihan ng PNP chief sa isang dinaluhang event ang ilang tauhan ng pulisya na may bitbit na payong para sa mga VIPs at nagsisilbing bodyguards ng mga ito.
Idiniin pa nito, na sila ay binabayaran sa taxpayer money para serbisyuhan ang general public at hindi ang iilan lamang.
Talagang dapat nang masala ng binibigay na mga bodyguards sa mga VIPs maging sa mga government officials.
Kung minsan nga maggo-golf lang ang isang binabantayang VIPs, kontodo buntot ang security na pulis nama’y dala pang payong.
Nakakababa nga naman ng moral para sa isang pulis