Basketball coach, naka-3 point shots ng 1,000 beses para sa Guinness World Record!

ISANG basketball coach sa Maine, U.S.A. ang nakapagtala ng world record matapos siyang maka-3 point shot nang mahigit 1,000 beses sa loob ng isang oras!

Nahigitan ni Ryan Martin ang previous world record sa titulong “Most Basketball Three Pointers in One Hour” matapos siyang maka-3 point shot nang sunud-sunod sa loob lamang ng isang oras.

Ang previous record sa titulong ito ay 1,077 shots ng isang local basketball player sa state ng Oregon.

Ginanap ang record breaking attempt ni Martin sa basketball court ng Lake Region High School kung saan siya ang head coach ng basketball team.

Nasa audience ang kanyang mga pamilya, team at mga estudyante ng naturang paaralan bilang mga witness sa kanyang world record attempt.

Sa kasalukuyan, naisumite na ni Martin ang mga pruweba sa kanyang attempt at hinihintay na lang niya ang kumpirmasyon ng Guinness World Records.

 

Show comments