^

Punto Mo

EDITORYAL - Basurang plastic kailangan ng DPWH!

Pang-masa
EDITORYAL - Basurang plastic kailangan ng DPWH!

KUNG magtatagumpay ang isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na paghahalo ng plastic wastes sa aspalto para gamitin sa kalsada, ito ang solusyon sa problema ng plastic na basura. Kakailanganin ng DPWH ang maraming plastic, isi-shred ang mga ito at saka ihahalo sa hot mix asphalt at ilalatag sa mga kalsada. Magiging matibay at hindi umano madulas ang kalsadang may halong plastic.

Isang kautusan (Department Order No. 139) ang nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan noong Agosto 2 na nag-aatas sa regional offices, district engineering offices at unified project management office clusters na maghalo ng ginutay-gutay o shredded plastic bag wastes sa hot mix asphalt. Iniutos ang paggamit ng basurang plastic makaraang pumasa sa tests at standards na itinakda ng Bureau of Research and Standard.

Ang ideyang ito ng DPWH ang susi para mawakasan ang problema sa plastic na basura. Ang basurang plastic ang itinuturong dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya. Noong Hulyo 22, 2024, bumaha sa MM dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Maraming basurang plastic ang nakolekta makaraan ang baha. Isang linggong hinakot ang mga basurang plastic. Pawang single use plastic ang mga basura. Mga sando bags at sachet ng shampoo, coffee, catsup at iba pa.

Ang Pilipinas ay nagpo-produce ng 2.7 milyong tonelada ng plastics wastes bawat taon. Humahantong ang mga basura sa landfills, ilog, estero at sa karagatan. Ayon sa grupo ng mga environmentalist, kung hindi maipahihinto ang paggamit ng single-use plastic, aapaw ang 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila.

Maski si DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ay nagbabala na lalangoy sa plastic ang bansa kapag hindi ito nasolusyunan. Malaking problema aniya ang plastic pollution, hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi sa ecosystems at climate change.

Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit ningas kugon lang ang kautusan. Patuloy pa rin ang paggamit ng single-use plastics.

Suportahan ang DPWH sa paggawa ng mga kalsadang hinaluan ng plastic na basura. Ito ang solusyon sa problema ng plastic pollution. Kolektahin ang mga plastic para magamit ng DPWH sa paggawa ng kalsada.

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with