^

Punto Mo

‘Baha’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG kahon ng sapatos ang aking napulot habang may baha sa Dapitan noong 1976. Inutusan ako ng aking tiyahin na bumili ng pandesal sa isang bakery na malapit lamang sa aming apartment. Bilin ng aking tiyahin na mag-ingat sa paglalakad at baka mahulog ako sa mga bukas na drainage. Huwag daw akong maglalakad sa gitna ng kalsada.

Alam ko naman yun kahit hindi sabihin ni Tiya dahil maraming beses na rin akong nakaranas ng baha mula nang tumira sa Dapitan.

Paglabas ko sa aming apartment ay hanggang tuhod pa ang lalim ng baha. Wala pang gaanong tao sapagkat pasado alas singko pa lamang ng umaga. Wala nang ulan ng mga oras na iyon.

Hanggang makita ko ang lumulutang na kahon ng sapatos ilang metro ang layo sa amin.

Hindi ko pinansin ang kahon at nagpatuloy ako sa paglalakad sa baha. Bumili ako ng pandesal. Wala pang bumibili dahil maaga pa.

Nang pabalik na ako, nakita ko uli ang kahon na lulutang-lutang. Nagkaroon ako ng interes na damputin. Iniuwi ko sa apartment. Ipinatong ko sa may metro ng tubig na nasa gilid ng apartment.

Pagkatapos naming mag-almusal saka ko naalala ang kahon ng sapatos. Binuksan ko.

Nagulat ako at hindi makapaniwala sa nakitang laman—mga alahas! (Itutuloy)

FLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with