Dispalinghadong makinarya ni Sara nabokya na!

HINDI na nakagugulat ang pagbagsak ng trust rating ni VP Sara Duterte ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Bubulusok pa ‘yan!

Nangyari rin ‘yan kay ­dating VP Binay noon nang kulatain sa Kongreso ang isyu ng ­korapsyon sa Makati.

Plakda!

Sinalubong ba naman ng isyu ng POGO, ICC at re-investigation ng EJK sa Kongreso at ikinulapol sa administrasyon ni ex-President Digong.

Sinabayan pa ng pagbabakasyon ni Sara sa Germany sa kasagsagan ng habagat at bagyong Carina na nagpabaha sa Metro Manila nung Hulyo 22.

Ano pa ba ang dapat asahan?

Sumasandal pa rin ang mga political operators ni Sara sa Duterte magic na kinupasan na ng panahon.

Wala naman talagang pruweba na nakaahon sa hirap ang mamamayan sa administrasyon ni Digong.

Gamitin ba naman ang bertud ng pagmumura at panduduro ni Digong sa mga prayer rally ng Maisug.

Anong dasal ‘yun?

Halos lahat ng black propagandang pinakakawalan ng kampo ni Sara laban kay Pres. Bongbong Marcos ay parang bomba na sa kanila rin sumasabog.

Mas nakababangag at nakangingiwi kapag ganyan. Sa totoo lang!

Show comments