^

Punto Mo

Philsys ID target ng mga kawatan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAY babala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko laban sa mga taong nag-aalok ng cash sa mga registered individuals kapalit ng kanilang Philsys o National IDs.

Sangkaterbang report ang natanggap ng PSA na ilang indibidwal ang lumalapit sa mga registered person at kinukuhanan ng litrato ang kanilang National ID kapalit ng pera.

Naku napakadelikado nito, kaya nga hindi nyo dapat ipagkatiwala sa iba ang napakahalagang dokumento na ito na malamang pagsisihan ninyo sa hinaharap.

Pinapayuhan ang publiko na huwag i-share ang kanilang National ID nang hindi kinakailangan.

Ang pagiging mapagbantay anila ay mahalaga upang mapigilan ang pagnanakaw ng identity at pandaraya.

Manatiling may sapat na kaalaman at maprotektahan ang personal na impormasyon.

Ipinaliwanag ng PSA na ang pagiging registrado o pagtanggap ng National ID ay hindi rin nanga­ngahulugang makatanggap ng cash benefits mula sa pamahalaan at iba pang social protection programs

Ang mga benepisyo umano ay ibinibigay batay sa mga tuntunin at regulasyon ng kinauukulang ahensya.

Huwag kasing masilaw sa alok na pera.

Yan lang ang hirap sa iba kahit pa nga alam nila na pwede itong kanilang ikapahamak, katwiran ng ilan bahala na.

Sa tinanggap nilang maliit na halaga pagdating ng araw, baka sila mamulubi sa balik na singil nito sa kanila.

Baka nga may kasama pang kulong kung ipapagamit nila ang kanilang personal na impormasyon.

vuukle comment

NATIONAL ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with