Maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naalarma na sa paglala ng tumataas na kaso ng online child sexual abuse at exploitation cases, kaya nagtatag siya ng tanggapan na magbibigay proteksyon sa mga kabataan.
Sa Executive Order (EO) No. 67 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakasaad ang pagbuo ng Presidential Office for Child Protection (POCP).
Layon nito na maproteksyunan ang mga bata laban sa physical at mental distress.
Sa ilalim ng EO, tungkulin ng POCP na i-monitor at tiyaking naipatutupad ang mga programa at polisiya ng gobyerno.
Bukod dito pinatutukan din ng EO ang kapakanan ng mga bata, ang anti-OSAEC, anti-child human trafficking matters, at anti-CSAEM (Child Sexual Abuse or Exploitation Materials).
Kailangan din nilang lumikha ng mga policy recommendations na isusumite nila sa Pangulo.
Pamumunuan ang POCP ng Presidential Adviser for Child Protection (PACP) at pangangasiwaan ng Special Assistant to the President (SAP).
Sana nga ay sa pamamagitan nito ay kundi matuluyang masawata eh mabawasan man lang.
Dapat din marahil magpataw ng mabigat na parusa sa mga taong sangkot dito lalo pa kung kung isang ina o ama ang siyang nang-aabuso sa kanilang anak o kaanak.