^

Punto Mo

EDITORYAL - Ituloy ang PUVMP, hulihin mga colorum

Pang-masa
EDITORYAL - Ituloy ang PUVMP, hulihin mga colorum

Hindi na dapat ipagpaliban pa ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sapagkat pitong beses na itong naaantala. Kung ipo-postpone muli dahil sa banta ng iilang transport group, walang mararating sa programang ito na sinimulan pa noong 2016. Hindi dapat matinag ang pamahalaan sa banta ng tigil pasada. Ituloy ang PUVMP at hulihin na ang mga colorum na jeepneys.

Maraming dahilan ang ilang transport group na sumasalungat sa PUVMP. Ayon sa kanila, ang makikinabang lamang daw ay ang mga banyagang kompanya na gumagawa ng sasakyan. Masyado raw mahal ang unit ng mga imported na sasakyan. Isa pang dahilan, magmamahal daw ang pasahe kapag ang kooperatiba na ang mamamahala. Marami pa silang dahilan na hindi naman makatwiran.

Kumampi naman ang 22 senador sa mga sumasalungat at hiniling sa pamahalaan na ipatigil ang PUVMP. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, hindi raw nakunsulta ang maraming sector. Dapat daw munang pag-aralan ang PUVMP.

Pero sabi ni President Ferdinand Marcos Jr., wala nang makapipigil sa implementasyon ng PUVMP. Wala rin daw katotohanan ang sinabi ng mga senador na minadali ang PUVMP. Marami umano ang sumusuporta sa PUVMP at katunayan, 80 percent ng transport groups ang nakapag-consolidate na. Nakasunod na sila sa requirements. Ayon kay Marcos, ang masusunod dito ay ang nakararami kaya walang dahilan para hindi ma-implement ang PUVMP.

Natapos ang deadline ng PUVMP noong Abril 30, 2024. Ang lahat nang hindi nakapag-consolidate makaraan ang tinakdang deadline ay ituturing nang kolorum at huhulihin.

Sa ilalim ng PUVMP, dapat mag-consolidate at ma­ging miyembro ng mga kooperatiba ang jeepney operators at drivers. Ayon sa Deparment of Transportation (DOTr), ang jeepney operators na hindi nakapag-conso­lidate ay maaaring lumipat sa consolidated cooperatives.

Pero sa halip na mag-consolidate ang 20 percent ng jeepney operators, minabuti nilang magtigil pasada na ginatungan ng ilang transport group. Muling nagbanta ang grupong Manibela na magsasagawa sila nang malawakang tigil pasada sa Lunes. Noong nakaraang linggo, nagtigil pasada na sila pero wala namang epekto dahil marami na nga ang naka-consolidate.

Hindi na dapat maantala ang PUVMP dahil lamang sa pagmamarakulyo ng iilan. Ang nakararami ang masusunod. Bigyang-daan ang jeepney mo­dernization para sa maayos na pagbibiyahe at ligtas sa nakalalason at nakamamatay na usok. Pinanggagalingan ng air pollution ang mga lumang jeepney.

PUVMP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with