^

Punto Mo

EDITORYAL - Pinatay ang POGO pero bubuhayin ang e-sabong

Pang-masa
EDITORYAL - Pinatay ang POGO pero bubuhayin ang e-sabong

PARA raw mabawi ang revenue na mawawala sa pagbuwag sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), i-legalize daw ang e-sabong, suhestiyon ng mga mambabatas. Kailangan daw mabawi ang mawawalang P7 bilyon na kinikita sa POGO.

Pinabuwag ni President Ferdinand Marcos Jr. ang POGO noong Hulyo 22, 2024 na inihayag niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Sabi ni Marcos, dapat nang itigil ang panggugulo at paglapastangan ng POGO sa bansa.

Pero ilang mambabatas ang nanghihinayang sa ­bilyong pisong mawawala sa pagbuwag sa POGO. Ayon kay House Deputy Speaker Jay-jay Suarez, pag-aralan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ma-regulate ang online cockfighting o e-sabong para kumita ang pamahalaan. Ginawa ni Suarez ang proposal sa deliberations ng 2025 budget ng PCSO.

Sabi naman ni OFW Rep. Marissa Magsino, pag-aralan ng PAGCOR kung maaring ma-legalized ang e-sabong para makapag-generate ng revenue na naapektuhan sa pagsasara ng POGOs. Nagpapatuloy din naman umano ang e-sabong sa maraming lugar kaya pabor siyang gawin na itong legal upang kumita ang pamahalaan.

Noong Enero 2023, ipinag-utos ni President Marcos Jr. ang pagbabawal sa e-sabong. Inilabas niya ang Executive Order No. 9 na nag-uutos na arestuhin ang nag-ooperate ng e-sabong. Nakasaad din sa EO ang suspensiyon sa live streaming o broadcasting ng live cockfights sa labas ng cockfighting arenas na pinagdarausan ng sabong. Bawal din ang online/remote, o off-cockpit wagering/betting sa live cockfighting matches. Ang kautusan ni Marcos ay pagpapalakas sa kautusan naman ni dating President Duterte na pagsuspende sa e-sabong noong Mayo 2022.

Bawal ang e-sabong at hindi na dapat buhayin gaya ng ipinapanukala ng mga mambabatas. Hindi dapat gawing legal para makakalap ng revenue ang sugal na naghahatid ng kasamaan sa lipunan. Maraming Pilipino ang nalulong sa e-sabong na nagbunga sa pagkawasak ng buhay at pamilya. Maraming gumawa nang masama para matustusan ang bisyo.

Dahil sa pagkalulong sa e-sabong, isang ina ang binenta ang kanyang sanggol para may maitaya sa e-sabong. May isang pulis na hinoldap ang isang hardware store para may maipambayad sa pagkakautang dahil sa e-sabong. Maraming OFWs ang umuwi sa bansa na lubog sa utang dahil sa pagkatalo sa e-sabong.

Bukod sa mga nabanggit, e-sabong din ang tinuturong dahilan kaya nawala ang 34 na sabungeros na hindi pa natatagpuan at pinaniniwalaang patay na.

Gusto ba ng mga mambabatas na maulit ang mga masasamang pangyayaring ito? Inalis ang POGOs dahil sa pagsalaula sa lipunan at bansa at ipapalit ang e-sabong na masahol din ang nililikha sa mamamayan.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with