‘Typewriter’

(Part 4)

SABI ni Lola Pelagia, wala naman siyang naririnig na tagaktak ng typewriter sa madaling araw. Madalas din daw siyang gumamit ng banyo sa madaling araw. Pero ipinagpilitan ko na mayroon talaga akong naririnig na nagta-type sa salas. Sabi ni Lola, magpapadasal siya para sa kaluluwa ni Lolo Pedrito.

Pero kahit nagpadasal na si Lola, patuloy akong nakarinig nang nagta-type sa salas kung madaling araw. Hanggang sa nakasanayan ko na yun at hindi na ako nagsusumbong kay Lola o maski sa aking tiyahin na guro. Maski si Tita ay wala rin daw naririnig na nagta-type. Ako lang talaga ang nakakarinig ng “misteryosong” pagta-type kung madaling araw.

Nasa kolehiyo na ako nang mamatay si Lola. Patuloy ko pa ring naririnig ang tagaktak ng typewriter sa salas. Hanggang may matuklasan ako.

(Itutuloy) 

Show comments