NABABAHALA ang kapulisan sa dumaraming kaso ng pagsabog ng mga sub-standard na tangke ng LPG na lumilikha ng sunog na ikinabuwis ng buhay ng mga Pinoy. Hindi na ako lalayo pa mga kosa dahil tank explosion ang sinisisi sa sunog sa isang gusali sa Binondo, Manila kamakailan kung saan 12 katao ang na-trap at namatay.
Para mabawasan ang naturang kaso, nagtatag ng flagship program na “Oplan Ligtas” si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil para habulin ang LPG refilling stations, dealers, at distributors. Eh di wow! Ang maganda rito naka-score kaagad ang mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco nang salakayin nila ang LPG station sa Baler, Aurora at nakumpiska ang mga kagamitan na nagkakahalaga ng P26.6 milyon. Araguyyy!
Sinabi ni Francisco na wala ang mga incorporators ng LPG station subalit walong empleyado nila ang nadale. Dipugaaa! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Francisco na isinagawa nila ang raid sa LPG station na matatagpuan sa Burgos extension, Bgy. Suklayin, Baler dahil sa report na hindi well-trained ang mga tauhan nito para mag-refill ng mga tangke na kadalasan ay hindi rin nami-maintain. Kapag ganito kasi ang sitwasyon ng tangke, malaki ang posibilidad na sasabog ito at magiging dahilan ng sunog, ani Francisco.
Hindi lang ‘yan, hindi rin magiging tama ang na-refill na gas na isinalin sa tangke na ikinalugi ng kanilang mga suki. Get’s n’yo mga kosa? At higit sa lahat, hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga incorporators ng LPG station, o dili kaya’y hindi talaga nagbabayad ng tax ang mga ito. Sanamagan! Dapat pala, palawakin ni Francisco ang “Oplan Ligtas” ni Marbil. Mismooo! Hehehe Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan!
Kaya armado ng search warrant sa kasong illegal trading, illegal cross filling, at LPG Industry Regulation Act, nilusob ng eleento ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) at Aurora PPO ang opisina ng Aurora Gas Corporation na umano’y sangkot sa unauthorized refilling at distribution gn LPG products. Araguyyy! Wala sa area ang incorporators at owners subalit inaresto ang walong casiers, accountants, re-fillers at drivers na hayagang tumatangkilik sa mga walk-in clients para sa LPG refilling, ani Francisco. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Francisco, kinumpiska ng mga raiders ang tatlong electronic motors, tatlong check valves, dalawang gas pumps, vapor unit, LPG storage tank, tatlong lorry tank trucks, mahigit 1,000 iba’t ibang klase ng LPG cylinders, weighing scales, refilling at decantry hoses, pressure gauges, refilling adaptors, LPG seals, tax at VAT folders, sales invoice booklets, ledgers, at personal computer. Sobrang dami ah! Lahat-lahat ay nagkakahalagang P26.642 milyon. Sanamagan! Lugi ang negosyo. Ano ba ‘yan? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang mga inaresto at ilang ebidensiya ay dinala sa Aurora CIDG PFU para sa booking at documentation. Ang mga mabibigat at hindi magalaw na ebidensiya tulad ng LPG tank storage ay pinadlock, minarkahan para hindi magamit pa. Ang electric motor, compressors at pumps naman ay dinismantle para hindi ma-siphon ang LPG gas. Siyempre, kakasuhan ang mga may-ari at inarestong empleado. Nag-warning pa si Francisco sa publiko na ‘wag tangkilikin ang ganitong klaseng produkto dahil mapanganib at maaring mag-umpisa ng sunog. Dipugaaa! Abangan!