^

Punto Mo

Barya at anghit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KAHIT sabik ako sa pera noong aking kabataan, hindi ko ugaling pulutin ang namataan kong barya sa kalsada. Ang pinupulot ko ay baryang nakakalat sa loob ng aming bahay o bakuran. Kaming magkakalaro noong aking kabataan ay mahilig tumambay sa harap ng sari-sari store na nagpaparenta ng komiks. Para mas mura ang renta sa komiks, sa mismong harapan ng tindahan namin binabasa ang komiks. Mas mahal ang renta kung  ang komiks ay iuuwi pa sa bahay.

Tuwing magbabasa kami ng komiks, lagi naming naaamoy ang mabahong kilikili ni Kuya Tukmol, ang kapatid ng may-ari ng tindahan. Siya ang tagabantay sa komiks na pinaparenta. Nakaupo siya malapit sa inuupuan namin habang kami ay nagbabasa ng komiks.

Sa sobrang baho ng kilikili, minsan ay hindi ko na maintindihan ang aking binabasa. Hindi ko na namamalayan na binibilisan ko na pala ang pagbabasa para makaalis na agad ako sa harapan ng tindahan. Pakiramdam ko’y sasabog ang aking ulo sa lakas ng amoy.

Minsan ay narinig ng lolo ng aking kalaro na pinagtsitsismisan namin ang mabahong kilikili ni Kuya Tukmol. Kuwento ni Lolo Minyong:

“Naku, mahilig kasing pumulot ng barya si Tukmol.”

“E, ano naman pong koneksiyon ng pamumulot ng barya sa anghit niya?” tanong namin kay Lolo.

“Aba, ingat din kayo sa baryang pinupulot ninyo. Ang sekreto kasi para matanggal ang anghit ay singitan mo ng barya ang iyong kilikili. Tapos habang naglalakad ka sa kalsada ay ilaglag mo ang barya mula sa kilikili. Kapag ginawa mo iyon, matatanggal ang iyong anghit at lilipat doon sa nakapulot ng barya.”

Paniwalang-paniwala naman kaming mga mahahaderang magkakalaro. Hindi namin alam ay gawa-gawa lang ni Lolo Minyong ang kuwentong barya. Saka namin na-realize noong malalaki na kami, na ang nakatatanggal ng anghit ay kalinisan sa katawan at hindi pagsisingit ng barya sa kilikili. Pero sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi ako namumulot ng barya sa kalsada. Natatakot ako na baka iyon ay nagmula sa kilikiling mabaho.

BARYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with