NAGDIWANG ng kanilang ika-10 kaarawan ang tinaguriang “Oldest Surviving Panda Triplets” noong nakaraang Hulyo.
Sina Meng Meng, Shuai Shuai at Ku Ku ay ipinanganak noong Hulyo 29, 2014 sa Chimelong Safari Park sa Guangzhou, China. Isang pambihirang pagkakataon na manganak ng triplets ang isang panda kaya itinuturing na espesyal na pangyayari ito sa buong China.
Sa history ng mga Panda sa China, mayroon lamang apat na kaso ng triplet birth. Unang isinilang si Meng Meng ang tanging babae sa tatlo, sinundan ito ni Shuai Shuai at panghuli si Ku Ku.
Ginanap ang birthday celebration sa naturang safari park kung saan ipinaghanda ng cake ang triplets. Gawa ang cake sa bamboo shoots, carrots, fruit chunks and honey water.
Sa kasalukuyan, isa na ring ganap na ina si Meng Meng matapos siyang manganak noong isang buwan.