Mga tip sa pakikipagkapwa tao
• Limang tao na dapat mong iwasan maging ka-“close”:
1. Mabilis uminit ang ulo.
2. Kinakagat ang lips niya kapag nag-iisa. May tsansang nasa loob ang kulo niya.
3. Kinakagat ang kanyang kuko. Laging ninenerbiyos. Hindi straight mag-isip.
4. Laging nakahalukipkip lalo na kapag nagpapaliwanagan kayo. (His arms across his chess). Ito ang taong ayaw patalo at siya lagi ang magaling.
5. Pagkatapos mong tulungan ay hindi man lang marunong magpasalamat.
• Ang dahilan kung bakit hindi naiisip ng ibang tao na nakakasakit na pala siya sa iyo ay dahil lagi mo siyang pinapatawad.
• Toxic na ang kapamilya mo kung: Minamanipula niya ang sitwasyon at gumagawa siya ng drama. Halimbawa, pinakialaman ng nanay mo ang iyong pera. Nang pinagsabihan mong bakit niya iyon ginastos nang hindi nagpapaalam, siya pa ang galit at isa-isang ililitanya ang mga “utang na loob” mo sa kanya, kasama na doon ang pagsilang sa iyo na hindi mo naman ginusto at pinagdesisyunan. Huwag padala sa drama. Linawin mo kung hanggang saan ang kanilang boundary. Kung may pagtutol sila, humiwalay ka na ng tirahan. Pahalagahan mo ang iyong mental health.
• Huwag mag-react sa masamang kritisimo sa iyo. Manatiling kalmado.
• Para maramdaman ng iyong bagong kakilala na espesyal siya, ulitin muli ang kanyang pangalan bago magpaalam.
• Kapag mabango ka, mas friendly ang mga tao sa iyo.
• Kapag hindi ka umiinom at inalok ka na uminom ng alak kahit isang shot lang, magdahilan ka na kaiinom mo lang ng gamot.
• Huwag madaliin ang pag-aasawa. Piliing mabuti ang kakasamahin sa buhay dahil siya ang magiging responsable sa 90 percent ng iyong kaligayahan o paghihirap sa buhay.
- Latest