^

Punto Mo

‘Paruparo’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINURING kong biro ang sinabi ni Joan na makakakita raw ako ng itim na paruparo sa Saudi Arabia. Magugulat daw ako. Palabiro kasi si Joan. Lagi rin kasing paruparo ang topic namin kapag nag-uusap.

Isang hapon na umuwi ako galing sa duty, kinilabutan ako dahil may nakadapo na itim na paruparo sa aking naka-frame na picture na nasa ibabaw ng mesa.

Paano nagka-paruparo sa loob ng room ko?

Sinuri kong mabuti kung paruparo nga ang nakadapo. Totoong paruparo! Napakaitim!

Naitanong ko sa sarili, anong pahiwatig ito?

Makalipas ang isang oras, isang malungkot na balita ang natanggap ko mula sa Pilipinas. Patay na si Joan. Naaksidente ang dyip niyang sinasakyan. Nawalan ng preno at bumangga sa pader. Siya ang napuruhan.

Big-la kong naisip na ang paruparo na nakadapo sa a­king picture ay si Joan. Nagpahiwatig siya sa pamamagitan ng paborito naming paruparo. Hindi ko malimutan ang karanasang iyon.

BUTTERFLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with