HINDI na magse-serve ng instant ramyeon o instant noodle soup ang Korean Airline dahil delikado itong makapaso kapag may turbulence!
Ayon sa Korean Air, simula sa Agosto 15, hindi na sila magbibigay ng instant noodles sa Economy class passengers upang maiwasan ang burn accident kapag nakararanas ng turbulence. Mababanlian ang mga pasahero ng mainit na tubig mula sa instant noodles kapag nag-turbulence ang eroplano.
Ang turbulence ay isang hindi regular na paggalaw ng hangin na kadalasang nararanasan sa lumilipad na eroplano. Ito ay sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang pagbabago sa bilis at direksyon ng hangin, pagkakaroon ng mga bundok o iba pang mga hadlang, at pagkakaiba sa temperatura ng hangin. Ayon sa Korean Air, dumoble ang kaso ng turbulence ngayong 2024 kumpara noong 2019.
Kapalit ng noodles, ang isi-serve ng pagkain sa mga pasahero ay sandwiches, pizza, corn dogs at Hot Pockets.