^

Punto Mo

May constructive dismissal ba kapag inalok ang empleyado na mag-resign?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Masasabi bang constructive dismissal kung alukin ko ang empleyado ko na mag-resign na lang sa halip na maharap pa siya sa reklamo at ­tuluyang masisante?— Ernie

Dear Ernie,

Depende sa sitwasyon pero malinaw sa kaso ng Central Azucarera de Bais, et al. v Siason (GR No. 215555, 29 July 2015) na hindi  maaring sabihin kaagad na may constructive dismissal kung inalok ang empleyado na mag-resign na lamang.

Sa nasabing kaso ay inalok rin ng resignation ang empleyado matapos mabisto  ang ilang iregularidad na ginawa nito sa trabaho. Nag-resign ang empleyado pero ayon sa kanya ay napilitan lamang siya dahil sinabihan siyang mag-resign ng kanyang employer.

Nagsampa ng kasong illegal dismissal ang em­pleyado pero sa huli ay kinatigan ng Korte Suprema ang employer. Matagal na kasing nagtatrabaho sa kompanya ang empleyado at malapit rin siya sa presidente nito na siyang nag-alok sa kanyang mag-resign na lamang kaya dapat na makita ang nasabing alok bilang pagbibigay sa kanya ng tsansa para magkaroon ng “graceful exit” mula sa kompanya at hindi isang paraan ng constructive dismissal.

May mga pagkakataong maaring ipagpalagay na constructive dismissal ang alok na resignation pero hindi naman ganoon palagi ang sitwasyon. Hindi illegal ang pag-aalok ng resignation at kadalasan ay ginagawa  ito upang makaiwas ang empleyado sa posibleng kahihiyan mula sa pagkakatanggal sa trabaho.

EMPLOYEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with