^

Punto Mo

EDITORYAL - Victims ng drug war, malalasap ang hustisya

Pang-masa
EDITORYAL - Victims ng drug war, malalasap ang hustisya

MAY pag-asang makalalasap ng hustisya ang mga kaanak ng drug war victims na brutal na pinatay sa panahon ng Duterte administration. Ito ay matapos ipahayag ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi haharangin ng pamahalaan ang arrest warrants na ilalabas ng International Criminal Police Organization (Interpol) kaugnay sa drug war case ng International Criminal Court’s (ICC).

Ayon kay Remulla, walang dahilan para hadlangan ang paghahain ng warrant ng Interpol. Iginagalang umano niya ang aksiyon ng Interpol. Ayon pa kay Remulla, mayroong request mula sa ICC prosecutor para interbyuhin ang mga high-ranking police officers na pinagsususpetsahang sangkot sa madugong kampanya sa droga ng nakaraang administration.

Binanggit sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde, dating Criminal Investigation and Detection Group chief Romeo Caramat Jr., dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, at dating PNP Intelligence Officer Eleazar Mata na mga suspects ng Office of the Prosecutor ng ICC.

Una nang ipinahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi nila mapipigilan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa mga suspects sa drug war case.

Kung walang paghadlang ang DOJ sa gagawin ng Interpol, nakikita na nga na uusad ang pag-iimbes­tiga sa mga pagpatay na naganap sa drug war campaign. Maari nang arestuhin ang mga itinuturong nasa likod ng brutal na pagpatay noong 2016 kung saan kabi-kabila ang pagpatay. Parang bumabaril lamang ng aso ang mga pulis.

Sa war on drugs ng Duterte administration na nagsimula noong 2016, umabot sa 6,252 ang namatay. Ang masaklap, ang mga napatay ay napatunayang inosente sa drug charges. Kabilang sa mga napatay ng pulis sa isinagawang drug operation ay mga ino­senteng kabataan. Kabilang dito sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloocan City at saka walang awang binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija.

Hinihintay ng mga kaanak ng drug victims ang pagsisilbi ng hustisya. Sana, magkaroon ito ng katotohanan. Hindi sana maglaho ang kanilang inaasam.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with