Sa pagkakataong ito ay nais kong gamitin ang kolum na ito para batiin hindi lamang si Caloy Yulo, na nagbigay ng unang gintong medalya sa Pinas sa ginaganap na 2024 Paris Olympics, kundi ang lahat ng atleta na patuloy nagpupursige para bigyang karangalan ang bansa.
Nakaka-proud at napakasarap ng pakiramdam kapag narinig mong tinutugtog ang national anthem kasabay sa pagtataas sa watawat ng bansa sa ganitong pang-buong mundong kompetisyon.
‘Yan ika nga ang mga Pinoy, madalas sa una ay itinuturing na mahina, pero nagugulat na lang ang marami sa pinapakita nitong laban maging sa iba’t ibang larangan.
Malaki ang tsansa na madagdagan pa ang maiuuwing medalya ng ating mga atleta.
Hindi rin naman mapapasubalian ang suportang ibinigay ng marami nating kababayan buhat pa sa iba’t ibang panig ng mundo na nag-cheer at nagpalakas ng loob sa mga athletes.
Malaking bagay ito na nagpapataas sa moral ng ating mga atleta.
Hindi pa tapos ang laban marami pang maaaring mangyari sanay patuloy nating suportahan ang team ng Pinas hanggang dulo ng kanilang mga laban.
Congrats uli sa inyong lahat!