“KUMUSTA ka Joy? Okey bang work mo sa ospital?’’ tanong minsan sa akin ni Joan nang tawagan ko. Minsan isang linggo, tinatawagan ko siya. Sabi ko, ako na ang tatawag para hindi siya magastusan.
“Okey naman ako, Joan. Mababait ang mga kasama kong Pinoy nurses. Marami kami. Bigla ko tuloy na-wish na sana magkasama tayo para kumpleto ang saya ko.’’
“Ayan ka na naman, Joy. Hindi ko talaga maiiwan si Mama dahil sakitin. Kahapon nga dinala namin sa ospital dahil nanghihina—sobrang taas ng sugar. Kung wala ako rito sa tabi niya, sinong mag-aalaga sa kanya? Hindi ko maaasahan ang mga kapatid ko. Kaya hindi talaga ako puwedeng lumayo kay Mama.’’
“Okey sige, nauunawaan na kita. Nasasabi ko lang naman yun dahil nami-miss kita. Alam mo naman na mula pa nun, magkasama na tayo. Nagiging kumpleto ang buhay ko kapag magkasama tayo—talagang parang kapatid ko na ang turing sa’yo.’’
“Mag-boyfriend ka na para sumaya ka, Joy.’’
“Malapit na.’’
Humalakhak si Joan.
“Siyanga pala mayroon ka nang nakikitang paruparo riyan?’’
“Wala pa. Wala yatang paruparo rito, ha-ha-ha!’’
“Magugulat ka, mayroon kang makikita!’’ (Itutuloy)